Apr 27, 2008

at dahil kailangan ko to.

Ninais ko na namang iwan ang double deck ko na minsan ko lang matulugan, tanging mga bag at kumot ko lang ang palaging nakahiga. Iiwan ko lang naman ng pansamantala, siguro mga ilang araw at ilang gabi rin. Bago ako pumunta ng trabaho kanina dumaan ako ng double deck ulit at medyo inayos naman at tinignan si Angel Locsin na para bang mangungulila ako sa mukha o katawan niya, si Angel na 5 feet by 3 feet na poster sa dingding na pinacking tape lamang upang dumikit. Regalo ito ng isang roommate ko isa pa naming roommate, pero parang destiny na makakatabi ko talaga. Hindi ako nag bye bye kay Angel, ini off ko lang yung ilaw. Sa salas, nag bye bye ako sa isa ko pang kasama sa bahay, na nandun lang sa sofa at dinaramdam ang sirang tiyan na daw, sa tingin ko may hinihintay lamang siya.

Ilang araw din namang walang Internet, o computer, pero sa tingin ko di ako makakatakas sa tadhana, dahil kahit saan may computer shop. Kanina habang papasakay ako ng bus, hindi mabaho at malamig ang simoy ng hangin sa EDSA. Weird, kasi kung hindi mainit, may ibang amoy naman ang hangin sa EDSA. At di masyadong trapik, walang pila sa bus papasok ng The Fort kanina. Swerte.

Sasakay na naman ako ng bus mamaya at makakalimutan ko na muna lahat; double deck, EDSA, trabaho, turnaround time at ang poster ni Angel, lahat...lahat na may taktak Manila. Pansamantalang mas maraming puno ang makikita ko kesa sa mga building. Bukas ng gabi makakatulog ako na hindi kailangan ng electric fan, at kung maswerte wala akong maririnig na trapik, sasakyan, busina o trak, siwit ng mapresko at malamig na hangin lang. Di ko muna makikita ang pink saka blue ng MMDA, relax muna ang nearsighted ko na mga mata sa dami ng green dito. Puno at dahon.

At pag nakita ko na naman yung dalawa, at malamang habang tumitili yung maliit, masasabi ko na naman na talagang kailangan ko to.

2 comments:

ayzprincess said...

blog hopping!

hula lang.. taga amber, este telus ka? na miss ko yung term na turn arount time. heheh..

new reader lang ako, kaya di ako masyadong makarelate sa post na to. :D balik trabaho na naman ba?! :D

ok naman kasi may sweldo e :D

bonks alano said...

hula ka pa, hehe. balik trabaho na nga. salamat sa kunting panahon ng pagbabasa.